... this is a very touching poem written by Joey de Leon for Francis Magalona ...
Mga kababayan ko,
Wala na ang kaibigan ko.
Wala na ang magulo
Isang ama sa walo
Magpahanggang sa dulo
Ay ayaw magpatalo.
At wala na ring pilyo
Kahit kwarenta'y kwatro
Mukha lang binatilyo.
Wala na ang isang henyo
Wala na rin si gwapo
Pwede mag-inglesero
Pwede ring dilang kanto.
Wala na si idolo
May buhok man o kalbo
Dito tiyak ang sagot mo
"Wala yan sa lolo ko".
Batanes hanggang Jolo
Maging sa buong mundo
'La na'ng nasyonalismo
Ng 'Tol at Dabarkads ko.
At nasubukan pagka-makabayan mo
Nang bigyang pag-alala isang Sabado
At sa paglipad ng mga puting lobo
Mapa ng Pilipinas binuo nito.
Mga kababayan ko
Nasa langit na ang kaibigan ko.
beautiful tribute
ReplyDelete